Mahal Ako ng Mahal Ko (Official Music Video)

17 Просмотры
Издатель
Mahal Ako ng Mahal Ko
Lyrics
Vice Ganda
Moira dela Torre
Jason Marvin Hernandez
Music
Moira dela Torre
Arrangement
Marvin Querido
________________________________________________________________________

Lyrics:
Ang dami kong piniling mahalin
Inalayan ng lahat ng sa akin
Ilang beses nang sumugal
Pero ako lang ang nagmahal
'Di pa rin ako tumigil magdasal

Ako raq ay mahirap ibigin
'Di daw nila makakayang tanggapin
At bigla kang dumating
Pinatunayan mo sa akin
Ako ay karapat-dapat ding mahalin

Chorus:
Nagbago ang mundo
Nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo
At pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko

Ikaw ang tugon sa 'king mga hiling
Pag-ibig mo na kusang dumating
At niyakap mo ang lahat
Kagalingan at sugat
Minahal mo ako, bilang ako

Chorus:
Nagbago ang mundo
Nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo
At pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko

At kung meron mang hangganan
Hindi pa rin mawawala
Pasasalamat, sa iyong pinadama

Nagbago ang mundo
Nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo
At pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko
Kay sarap na mahal mo rin ako
Категория
Музыкальное видео
Комментариев нет.